November 27, 2020
Tekla: “Lahat pinagbenta, ayaw ko nang i-mention pero binenta niya. Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!”

Tekla: “Lahat pinagbenta, ayaw ko nang i-mention pero binenta niya. Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!”

Muling binisita ni Donita Nose ang kaibigan niyang si Super Tekla sa kanyang tinutuluyang condo.

Makikitang maraming nakakalat na gamit sa loob ng tinutuluyan ng nasabing komidyante. Ayon kay Tekla ito’y mga gamit ng mga dating kasama niya sa loob ng condo.

Super Tekla at ang kanyang Live-in-partner

“Lahat pinagbenta, ayaw ko nang i-mention pero binenta niya. Di nila alam kung ilang libong gagastusuni ko dito!” Ito na lamang ang nasabi ni Tekla.

Sa likod ng mga ngiting pinapakita ni Tekla sa harap ng camera, makikita parin ang lukot at sakit na dulot ng mga pangyayari.

Habang naguusap at naglilinis, naikwento ni Tekla na bago pa man sila nakalipat sa condo ito’y fully-furnished na. Ayon sa kanya naibenta na ni Michelle Lhor Bana-ag, ang kanyang dating kinakasama, ang mga gamit na kanilang nadatnan noon, kaya naman pinoproblema na ni Tekla ang pagbabayad dito.

Sabi ni Tekla “Namomroblema lang kasi ako noong nilipatan ko ito dito maayos lahat, so hindi ako makakaalis dito hangga’t hindi ko siya naibabalik sa tamang kung anong itsura niya noong pinuntahan ko”.

Dagdag pa niya “Lahat pinagbebenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya… Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!”.