November 27, 2020
Limpin: “Ilan na ba kami niloko mo, ultimo si Boobay at Donita Nose at manager ni Tekla ginawa mo na rin yan gamit phone ni Tekla”. Inilabas ang sama ng loob ng dating manager ng Klownz sa panloloko ni Michelle Lhor sa kaniya.

Limpin: “Ilan na ba kami niloko mo, ultimo si Boobay at Donita Nose at manager ni Tekla ginawa mo na rin yan gamit phone ni Tekla”. Inilabas ang sama ng loob ng dating manager ng Klownz sa panloloko ni Michelle Lhor sa kaniya.

Inilabas ang kani kanilang sama ng loob, ang mga komedyanteng sina Boobay at Donita Nose, kay Michelle Lhor Bana-ag dahil silang dalawa mismo ay naloko nito nang humiram ng pera na nagpapanggap na si Tekla ang humihiram.

Sa kabilang banda, hindi na rin nakapagtimpi ang manager ng isang sikat na comedy bar, nagpahayag na sya ng kanyang saloobin dahil samang sama na raw ang loob nya kay Michelle.

Ayon naman sa isang Facebook post ng dating manager ng Klownz na si Marlon Limpin, grabe umano ang karansan niya sa pagpapanggap na manghihiram daw si Michelle ng pera gaming ang pangalan ni Tekla. Base sa kanyang post, nanghirap siya ng 20 thousand pesos dahil ang alam niya, si Tekla yung kausap niya sa telepono at nangangailangan ng pera, isinugo lang si Michelle para kunin ito.

“Gagamitin niya phone ni Tekla habang tulog at text ako na nanghihiram ng 20k akala ko si Tekla sasabihin mo over ang gamit ng ATM yun pala olaw lang Michelle ang kausap ko,” sabi ni Marlon Limpin.

Inakusahan din ni Marlon si Michelle na ang lahat ng mga perang nalikom niya sa paghingi ng pera sa mga kakilala ni Tekla ay ginamit niya sa kanyang mga luho at mga bisyo.

Kahit daw ang mga sikat na komedyante katulad ni Boobay at Donita Nose ay hindi rin nakaligtas sa diskarteng ginagawa ni Michelle.

“Ilan na ba kami niloko mo, ultimo si Boobay at Donita Nose at manager ni Tekla ginawa mo na rin yan gamit phone ni Tekla,” sabi ni Limpin.

Sinabi pa nito na ginamit na rin ni Michelle ang pangalan ni Tekla upang makapanloko ng mga ibang tao.

Ikinuwento ni Limpin na humihingi diumano ng down payment si Michelle sa mga gustong i-hire si Tekla sa kanilang mga shows.

“Ito pa nag book ka ng show sa inquiries sa phone ni Tekla at kukunan mo lang ng down. Ang kawawa si Tekla sa kahihiyan at babalik niya mga pera na ginalaw mo kawawa Tekla, paano ka hindi tataguan ng pera ni Tekla,” sabi pa ni Limpin.

Naging viral ang post na ito ni Marlon Limpin at umani ng libo libong reactions sa mga netizens sa social media.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Boobay, Donita Nose at Michelle upang kompirmahin ang sinasabi ni Limpin.

Si Michelle Lhor Bana-ag ay live-in partner ni Super Tekla o Romeo Librada na nagreklamo sa Raffy Tulfo in Action.