November 27, 2020
Maaaring itigil ang pagtulong kay Michelle kapag siya ay napatunayang nagsisinungaling – Raffy Tulfo

Maaaring itigil ang pagtulong kay Michelle kapag siya ay napatunayang nagsisinungaling – Raffy Tulfo

Pinakinggan ni idol Raffy Tulfo ang mga comments ng mga netizens na nagcomment sa ilang mga videos at livestreams sa Part 1 ng video na kung saan ay nagreklamo si Michelle sa programang Raffy Tulfo in Action na may mga ginawang di kaaya-aya sa kanya at sa kanyang anak si Super Tekla.

Kung mapapansin sa video, makikita sa mukha ni sir Raffy na galit na galit siya sa mga pahayag ni Michelle sa mga masamang ginawa ni Tekla sa kanya.

Isa sa mga reklamong inihayag niya kay sir Raffy ay yung hindi pagpapakain sa kanila sa tamang oras at magbibigay lang daw ng pera kapalit ang kasiyahan ng laman.

Dahil dito, agarang nagpadala ng tulong pinansyal si sir Raffy at gayun din ng isa sa kanyang team para kunin sila Michelle para sa proteksyon nito.

Matapos naman madinig ang side ng mga nagtanggol kay Tekla ay nahati ang opinyon ng mga netizen.

Ang simpatya nila ngayon ay mas pumabor naman kay Tekla.

Hiling ngayon ng mga netizen kay idol Raffy na naiipit na sa gulo ng dalawa sana daw ay ipa-lie detector test si Michelle para malaman kung siya ba ay nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo.

Pinagbigyan agad ni idol Raffy ang hiling ng mga netizens kaya naman tinawagan niya si Michelle upang tanungin kung papayag itong magpa lie detector test.

Pumayag naman si Michelle subalit tinanong niya si sir Raffy kung ano ang makukuha niya sakaling mapatunayang hindi siya nagsisinungaling.

Ayon kay sir Raffy itutuloy niya ang pagtulong nito kay Michelle kung mapapatunayan na hindi siya nagsisinungaling.

Kung mapapatunayan naman na nagsisinungaling siya ay babalewalain na ni sir Raffy ang kanyang mga sinabing tulong pinansyal at pangkabuhayan para kay Michelle at sa kanyang pamilya.