November 27, 2020
Michelle: “Kakapalan ko na mukha ko sir… hihingi sana ako ng tulong pambayad sa bahay na tinutuloyan namin”

Michelle: “Kakapalan ko na mukha ko sir… hihingi sana ako ng tulong pambayad sa bahay na tinutuloyan namin”

Matapos magkaayos nila Michelle at Tekla sa Part 6 serye nila sa Raffy Tulfo in Action, may mga katanungan si sir Raffy kay Michelle at isa na rito ay kung pano sila namumuhay ngayong wala na sila sa pangangalaga ni Tekla.

Basahin natin ang kanilang conversation:

Raffy: Michelle, last nalang pala. How do you survive right now? Sinong nagpoprovide sa inyo ng pang araw-araw na pangangailangan?

Michelle: Eto nga po sana ang pakiusap ko sa inyo sir, kakapalan ko nalang sana yung mukha ko sir. Hihingi sana ako ng tulong kung pwede po sir matulungan niyo kami na mabayaran po yung bahay na tinutuluyan namin dahil magtatalong buwan na pong hindi nababayaran, baka mapaalis napo kami dito.

Raffy: Sige so ang problema mo 3 months rent para sayo at sa baby mo? And then pagkain?

Raffy: Magkano ba yung sa renta?

Michelle: P3,500 po per month sir.

Raffy: Sasagutin ko yung 3 months and then mag-papadala ako ng mga groceries para sa baby mo okay?

Michelle: Thank you po maraming salamat po sir.

idol Raffy: Para sayo lang at sa baby mo hindi kasama dun sa kapatid mo na medyo katulad ni Sharie na malusog.

Michelle: Sana po sir pati yung anim na bata na minor na nag-aaral dito, yung mga pamangkin ko po.

idol Raffy: Sige magpapadala ako ng groceries para sa mga pamangkin at anak mo at babayran ko yung rental. Sige itutuloy ko hanggang 4 months.