November 27, 2020
Panibagong simula sa buhay ni Super Tekla Muling pagbisita ni Donita kay Tekla matapos ang mga pangyayari

Panibagong simula sa buhay ni Super Tekla

Sa bagong video ng Donekla in Tandem Youtube Channel, muling bumisita si Donita sa condo ni Tekla matapos iwan ng kinakasamang si Michelle.

Makikita sa video ang pagbili nila ng mga bagong kagamitan para sa tinutuluyan ni Tekla.

Pinakita din sa video ang pagbabago sa loob ng condo ni Tekla. Ang dating marumi at makalat na tinuluyan nito’y naging malinis at maayos na.

“Life must go on…”. “May darating at darating din sayo” mga salitang naisabi ni Donita para sa kanyang kaibigang si Super Tekla.