November 27, 2020
Super Tekla: “Fully-furnished po siya nung nilipatan namin, ngayon puro panis”. Ipinakita ang kalagayan ng Condo ni Super Tekla

Super Tekla: “Fully-furnished po siya nung nilipatan namin, ngayon puro panis”. Ipinakita ang kalagayan ng Condo ni Super Tekla

Simula nung pumutok ang kontrobersya ng issue ng komedyanteng si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay, ngayon lang ang kaunaunahan na ipinakita ni Tekla ang kanyang Condo sa publiko sa pamamagitan ng kanilang Vlog ni Donita Nose

“Akala ko sa akin lang sila galit yun pala pati dito rin pala sa unit ko, sana pati rin ito sinumbong nila”, sabi ni Super Tekla.

Sa panibagong video na ito, sa Youtube Channel nilang “Donekla in Tandem” na may 500 thousand subscribers, ipinakita nila ang sitwasyon sa condo ni Tekla na kung saan tumira sila kasama ng ka live-in partner nya na si Michelle Lhor Bana-ag at ng buong kamag-anak nito.

Sabi pa ni Donita, di nila ginalaw ang condo pagkatapos ng umalis sila Michelle doon para raw idokumento kung gaano ka sira, ka kalat, at ka rumi ang kanilang condo na may mga ipis pa na umaaligid dito.

Panoorin mo ang video:

Ayon kay Tekla, naglinis daw muna siya bago siya umalis ng condo para magtrabaho.

Ayon pa kay Tekla marami daw siyang babayaran sa condo dahil sa fully-furnished niya itong nakuha at sinabing binenta ng kanyang live-in partner ang ilan sa mga gamit, kaya babayaran daw niya ang mga ito sa owner ng condo.