November 27, 2020
Tekla:”Kung meron mang ginugutom sa totoo lang yung totoong pamilya ko, kasi di ko nasuportahan dahil sa kanila”. Pahayag niya sa bago nilang Vlog

Tekla:”Kung meron mang ginugutom sa totoo lang yung totoong pamilya ko, kasi di ko nasuportahan dahil sa kanila”. Pahayag niya sa bago nilang Vlog

“Kung meron mang ginugutom sa totoo lang yung totoong pamilya ko, kasi di ko nasuportahan dahil sa kanila” -Super Tekla

Sa bagong blog ng Donekla in Tandem, binisita ni Donita Nose si Super Tekla sa kanyang condo matapos nagsi-alisan ang kanyang live-in partner at kanyang mga kamag-anak.

Base sa video, napakarumi ng kanilang condo, may mga basura sa bawat sulok, at may mga ipis pang nagsisigapang sa buong bahay. Marami ring mga kalat katulad ng mga panis na kanin, diapers, at mga napkin.

Sa simula ng Video, kinumusta ni Donita si Tekla kung okay lang ba sya at ang bungad ni Tekla ay ngiti sa camera kasi kahit na ganun ang nangyari sa kanya ay positive parin, ika nga niya “Life must go on”. Sa buong video, pinakita nila ang mga kalat at sa hulihan ay inayos at nilinis nila ang mga ito.

Aminado si Tekla na napaka sakit at nawalan ng pag-asa siya matapos sumabog ang isyung ito na kung saan inere pa sa Nationwide Television at sa social media sa pamamagitan ng Raffy Tulfo in Action.

Sinabi din ni Tekla na napabayaan na niya ang kanyang sariling pamilya alang-alang sa live-in partner nitong si Michelle.

“Kung meron mang ginugutom sa totoo lang yung totoong pamilya ko, kasi di ko nasuportahan dahil sa kanila” sabi ni Tekla

Ayon pa kay Tekla, fully-furnished niyang nakuha ang kanyang condo unit subalit naibenta di umano ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag ang mga gamit na nadatnan nila noon, kaya naman namomroblema siya ngayon sa pagbabayad sa mga ito.

“Namomroblema lang kasi ako noong nilipatan ko ito dito maayos lahat, so hindi ako makakaalis dito hangga’t hindi ko siya naibabalik sa tamang kung anong itsura niya noong pinuntahan ko” sabi ni Tekla

“Lahat pinagbebenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya… Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!” dagdag pa niya.