November 27, 2020
Tekla: “Wala kayong ginawa kundi mag mobile legend, dyan nauubos ang oras niyo imbes na magligpit kayo, nakaka-istorbo ba ako sa inyo? Maglinis naman kayo ano to puro kalat?” Super Tekla at ang kanyang Live-in-partner

Tekla: “Wala kayong ginawa kundi mag mobile legend, dyan nauubos ang oras niyo imbes na magligpit kayo, nakaka-istorbo ba ako sa inyo? Maglinis naman kayo ano to puro kalat?”

Nagkalat ngayon sa social media ang video ni Tekla at kinakasama nitong si Michelle habang nasa kanilang tirahan.

Makikitang kumakain sila Tekla nang biglang nagbuga ng usok mula sa vape si Michelle. Sinuway naman agad ito ni Tekla kasi merong bata sa loob.

Makikita din sa video ang mga nakakalat ng mga kagamitan, mga basura at mga damit sa sahig ng kanilang tinutuluyan.

Makikita din sa video na ang mga kasama ni Tekla sa loob ng bahay na naglalaro. Kahit na pinagsabihan na nito ni Tekla na tumulong, patuloy parin ito sa paggagamit ng cellphone.

“Wala kayong ginawa kundi mag mobile legend, dyan nauubos ang oras niyo imbes na magligpit kayo, nakaka-istorbo ba ako sa inyo? Maglinis naman kayo ano to puro kalat?” ang sabi ni Tekla.