November 27, 2020
Ang Pagbabalik ni Kuya Wil!

Ang Pagbabalik ni Kuya Wil!

Naging emosyonal si Kuya Willie Revillame sa pagbabalik ng “Wowowin” sa Wowowin studio.

Ilang buwan matapos manatili ang “Wowowin” sa Wil Tower, muling nagbabalik ang programa sa Wowowin studio.

Isang enggrandeng opening number ang ipinamalas ng programa sa kanilang pagbabalik alang-alang sa mgatagasubaybay nito.

“Medyo nagiging emosyonal lang ako dahil pagbalik namin, dito dati nagsisigawan ngayon walang tao. Medyo empty tayo, pero feeling ko andito pa rin kayo” mga salitang nasabi ni Kuya Willie.

Hindi naiwasan ni Kuya Will dahil hindi parin pumasok ang mga studio audience sa loob ng studio.