November 27, 2020
Kabit Hinamon ang Legal na Misis!

Kabit Hinamon ang Legal na Misis!

Isang pambihirang eksena ang naganap sa Raffy Tulfo in Action. Inamin mismo ng kabit ang pagiging kabit nito at hinamon pa ang legal na misis. Ayon pa sa legal na asawa ang mismong kabit pa mismo ang nagsabing gusto niyang magharap sila sa programa ni Tulfo.

Ayon sa legal na asawa na si Richelle Tan, hindi na niya raw matiis ang paghahamon at lantarang pananakit ng kanyang asawang si James Tan.

Ang hindi maintindihan ni Richelle ay kng bakit hindi na naghintay ang kabit ng kanyang asawa na si Honeylet Ermitanio ang pagkaka-anull ng kanilang kasal.

Di umanoy si Honeylet pag ang matapang at may kayang hamunin si Richelle. Saad pa nito’y hindi takot makipag harap at magdemandahan sa programa ni Raffy Tulfo, na para bang di natatakot makulong. Ang masakit pa ay di umano sinasama ni Honeylet ang anak niya sa mga kuhang litrato sa luob ng kanilang bahay.

Ang depensa naman ni Honeylet at matagal na daw siyang humingi ng tawad sa pagiging kabit sa asawa ni Ritchelle. Dagdag pa nito ay desisyon ni Ritchelle ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa at wag daw siyang idamay.

“Inaamin ko kabit ako. Inaamin ko may kasalanan ako. Pero huwag lahat, huwag lahat isisi sa akin… Inamin ko po yan sa kanya nun, sir, dahil malaking pagkakamali yan. Ako po yung tao, sir, na umaamin at humihingi po ako ng tawad dahil d’yan sa nagawa kong yan” ang sabi pa ni Honeylet.

Ayun pa kay Honeylet ay hiwalay na daw sila ng asawa ni Ritchelle. Ngunit, hindi naniniwala si Ritchelle dahil mayroon daw itong mga ebdensya na nagpapatunay na magkarelasyon pa rin ang mga ito.

Depensa ni Ritchelle, humigni nga ito ng tawad ngunit hindi biro ang sakit na ibinigay ng mga ito sa kanya, dagdagan pa ng pagiging matapang nito ngayon na maghamon sa kanya.

Kaya gusto ni Ritchelle na madeport o ma-blacklist daw si Honeylet na nasa ibang bansa ngayon. At kung pwede makulong ito para managot sa mga kasalanan nito.